Of Gilas, Coaching, at mga Amateur Analysts

Arh4y Kcoh Bh3

Ansakit. Ansakit-sakit na naman sa feeling neto. Matapos nung heart-breaks sa World Cup, eto na naman tayo. Kaso mas masakit na talaga to. imagine-in mo nalang yung sakit, wasak na nga puso naten matapos yung FIBA WC,tas eto na naman par, kaso buti pa nung Worlds yung goal lang naman natin eh makakuha ng panalo, bonus nalang kung makapasok pa sa round of 16, kaya medyo hindi ganun kahapdi yung mga heart-breaking losses natin kontra Croatia, ARG at Greece.

Umuwi pa nga tayong masaya dahil nakalista pa tayo ng W kontra Senegal eh.
Pero iba ngayon. Kulang siguro yung analogy na kapag nasugatan ka ng malalim tapos pipigaan mo ng alcohol na sakit. Kase andun na eh, kahit Iran nangangatog na yung mga naggu-gurangang tuhod nung nakita tayo, Yung mga Koreans ginawa lahat para hindi tayo makagamit ng Naturalized player. Yung China nga siguro ilang sako ng insenso pinausok para hindi lang tayo makatapat. Ano pa ba hihingin mong assurance ng Asiad Gold? kung ultimo asian rivals naten aminadong malaki tiyansa ng Gilas.
Pero ayun na nga, we breezed through the Indians, but fell short over the Iranian giants, succumbed to a shock defeat to the Qataris, the Korean curse came back (hopefully just a cameo) and, ang pinakamasakit sa lahat, won but lost to the Kazakhs.

And I have two words to summarize our plight in Incheon, Masakit at Nakaka-Dismaya.
And no, hindi ito dahil dissapointed ako sa performance ng mga bata naten, kundi sa mga “fans” kuno na hindi marunong mag-appreciate ng effort at sacrifices ng koponan, coaching staff at management ng Gilas program.

Para saan pa yung pagsuporta natin sa kanila mula last year sa kampanya nila to a silver medal sa FIBA-Asia championships kung sa tatlong sunod na laban at hindi pagpasok sa semis ng Asiad ay mawawalan na tayo ng pagasa sa gilas at kung anu-anong pansisisi na ginagawa naten? Especially kay Coach Chot, (aka Choke Reyes according to some of the more celebrated amateur analysts from the around the web) na hindi man lang nila nabigyang pansin yung naging ambag niya sa Philippine basketball. hindi ba’t kasama siya sa nagdala satin sa 2nd place sa FIBA-Asia at sa kampanya natin sa World Cup? Ika nga ng isang sports quote: “Players win games, coaches lose them” and certainly these people can’t look past the metaphor of the phrase, pero hindi ba’t sobra naman ata ang nakukuhang pambaba-bash ni coach Chot.
Alam naman natin ang fiery personality at fab fashion taste ni coach, kilala siya bilang isang confrontational coach at isang magaling na motivator, kung tawagin nga sa football, he is an excellent ‘man manager’. Pero hindi ata talaga mapansin yun ng mga napakahusay na mga netizens turned walking basketball encyclopedias. Ayoko ko nang  isa-isahin pa  yung kababawan ng sentido ng mga yun, pero tama na, ayoko nang manahimik  habang nakikita ko yung mga hate comments nila sa social media, at kung anu-anong proposal tungkol sa opensa ng team, depensa, player rotation, and garbage after garbage of nonsense. Sinusulong pa nga nila na si Tim Cone nalang ipalit kay Chot, na mismo si coach Tim na nga nagsabi na mas bagay si Reyes sa trabahong yun.

Ewan, kala mo kung sinung mga pagkagaling-galing sa basketball, ano bang alam nila sa pagco-coach? Ano bang naiambag nila sa muling pagkilala sa pinas sa World stage ng basketball? Eh kung panalo lang naman sila “taga-suporta’ kung talo naman kala mo kung sino makasisi, maka-react at makapag-bigay ng opinyon kung paano ipapamalakad yung team.

Ngayong medyo nawala nang bahagya yung kinang ng Gilas, makikilala mo ang mga tunay na fans. Sabi nga “If you can’t support us when we lose, then don’t support us when we win”.  At ngayong, medyo tumagilid yung gumagandang daan na tinatahak natin sa mundo ng intl. basketball, nagsisilabasan din ang mga tunay na bandwagoners. Yung mga tipong “talo na gilas, PBA naman!”. Ano ba namang klase yun? hanggang dun nalang ba yun? parang wala lang ba yung paghihirap nila na yun? Panakip butas lang ba yung Gilas para makapanuod ka ng basketball kahit papano?

Sana naman, ngayon na medyo matagal pa ang susunod na pagsabak ng Gilas sa international play ay hindi mawala ang pinakamahalang sixth man nila. Ang mga Fans. At sa pagdating ng PBA season, sana naman hindi lang ganun na babalik tayo sa pagsuporta sa mga kanya-kanyang ball clubs tapos *poof* parang wala tayong pinagsamahan ng Gilas sa loob ilang buwang pagsubaybay sa kanila.

Hindi pa tapos ang kampanya naten, let’s continue what we started.  What we started together, Players, coaching staff,  management, SBP, MVP, and most especially us fans. Support Gilas all the way, hindi pa tapos ang #LabanPilipinas ! a

Advertisements

One thought on “Of Gilas, Coaching, at mga Amateur Analysts

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s